Sunday, December 30, 2012

Kasalan sa Taal, Batangas

Hindi ito ang aking unang pagbisita sa bayan ng Taal.  Madalas ko na rin itong mapuntahan, mula ng akoy nag-aaral pa lamang ng Arkitektura noong Kolehiyo.  Marahil ay maaga pa lamang, talas na akong lakwatsero.  Di pa uso ang mga digital na larawan nuon.  Ang tanging preweba lamang  ng aking pag bisita ay ang aking ala-ala, at mangilan-ngilang larawan na nangupas na rin.

Kaya't lubos na lamang ang aking kaligayahan, ng maimbitahang makibahagi sa kasalan ng aming kaibigang si Marj na isang abogado, at si Benj, na di ko na nalaman ang propesyon dahil sa mabibilang lamang naming pagkikita.

Ako ay naatasang maging tagapangasiwa ng palatuntunan kasama ang isa ring kaibigan na si Chum Guerero.  Sa araw ng kasal, maaga kaming tumungo papunta sa bayan ng Taal, ng sa gayon ay, malibot kong muli at makita ang bahay, na di ko nasilayan ng huli kong bisita, dahil sa limitadong oras.

Sa tapat mismo ng pamahalaang bayan namin inilagak ang aming sasakyan.  Di na ako nag aksaya ng panahon at unang tinungo ang Basilica ng San Martin de Tours.  Dahil may dalawang oras pang nalalabi bago magsimula ang kasal, tinungo ko muna ang mga lupon ng kabahayan sa tapat ng simbahan.  Ito rin ang mga bahay na  natatangi naming napuntahan ng huli, kayat nilakad ako ang isang kalye at dito ko nadaan and mga tahanan ng bayani ng Taal.

Narito ang mga larawang aking nakalap:


Muntik ko ng makalimutan na kasalan pala ang aking ipinunta, kaya't matapos ang aking paglilibot at tinungo ko na ang bulwagan na pag-gaganapan ng salo-salo, and Escuela Pia.

Mapalad akong naunang makita ang bulwagan mula sa ibang bisita. Sinamantala kong kilalanin ang mga ikakasal sa kanilang mga larawang inilagay sa mga lamesa. Di matatawaran ang ganda ng hapag na, ginayakan pa ng mga puting rosas, lampara, at personal na koleksyon ng mga libro.  Ang mga pangalang pantukoy ng upuan ay sulat kamay mismo ng ikakasal.  Ngayon lang ako nakibahagi sa kasalan, na ang imbitasyon ay di lamang sa kasiyahan, ngunit sa ganitong paraan, ay para na ring paanyaya sa kanilang buhay.  Ipinakita nila ang kanilang hilig, sa pagbabasa, pagsusulat, at pagmamahal sa buhay na ibinahagi nila sa katumbas ng 20 taong larawan.

Matapos and aking pag-iikot sa Escuela Pia, ay tinungo ko na ang simbahan para sa nalalapit na simula ng kasal.  Habang naghihintay, ay di ko mapigilan ang aking sarili na abangan ang babaeng ikakasal, at makita ang kanyang pagdating lulan ng karwahe.  

Nagsisimula na ang paglalakad ng mga abay, ng humaharurot na dumating and karwahe.  Mapalad akong makakuha ng larawan bago siya bumaba, ngunit hindi ko pa mailalagay ang larawan ng walang pahintulot.  Pumasok na ako sa loob ng simbahan para dito naman tunghayan ang mga magaganap.

Napakaganda ng kanilang napiling oras. Ang pilak na altar ay nagkulay ginto ng buksan ang pinto sa pagpasok ng ikakasal na babae. Dinulot ito ng pag tatakip-silim na sinag ng araw na wari'y nais makibahi sa kanilang pag-iisang dibdib.

Sa huli ko na lang nalaman, ngunit katulad ng ikakasal na lalaki, kami ay naging emosyonal sa pagpasok ng nakakasilaw na liwanag, na sa pagsarang muli ng pinto, ay naglantad ng isa pang mas magandang pangitain.  Suot ang pasadyang puting terno na binalot ng burda at makikinang na bato, maingay na lumakad ang natatanging babae ng hapong iyon patungong altar. Iyon na ang naging hudyat at patunay ng kasabihang, sa hinaba haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

Itutuloy....

No comments:

Post a Comment

DAY 2: My Fitness Journey

Im slowly regaining my desired sleeping pattern.  I was able to sleep before midnight and woke up around 9AM. My original intention was to w...